Hi Ahly, Alea, Bernard, Paola and Ramel. :) Felise and I need your help in finding talents for our oral interp prod. Please audition people na kilala niyong pwede for the following roles. Accdg to Sir Jun, we need audition tapes daw. If wala kayong recorder, I can lend you mine. :)
Just let them read the following lines. 'Wag kalimutang irecord. :) Please get as many people as possible. Pakikinggan daw kasi yung tapes with Sr Jun (and Ma'am Mel ata) para makapili ng final talents. Kung gusto niyo, magrecord din kayo amongst yourselves sin BC din naman kayo. hehe.
Karina and Susie are both children na babae. Karina needs to sound older than Susie. We need different people for these two roles.
Tatay is a middle aged man. Kahit batang lalaki (or babae, kung super galing niya ng character voicing) na kayang magsound na matanda.
We'll get the tapes sometime next week, okay? Don't forget to take note of your hours. :)
Salamat ng maraming marami. :)
For character Karina:
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng Sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawa-Marikina. Matibay, pulido at malikhain ang mga dosenyo ng kanyang mga sapatos. Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bibihirang magsalita.
Lumaki ako sa piling ng mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas na kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag Pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honor sa klase.
For character Susie:
Ate, nanaginip ako ng isang pambihirang sapatos! Napakaganda ng mga ito sa aking mga paa! Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!
Ate, nanaginip nanaman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malaking buckle sa tagiliran. Meron ding sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang daliri ng aking mga paa. Meron ding puting may kaunting takong ay may ribbon na pula! Ate, meron ding sapatos na ari sa maong na may burdang buwan at mga bituin!
For character Tatay:
Anong problema mo, ha?
Anak, hindi na baleng kulang ang mga paa mo. Mahal na mahal ka namin ng Nanay mo. Alam naming espesyal ka sa mga mata ng Diyos. Mas mahalaga sa aming lumaki kang mabuting tao... at buo ang tiwala sa sarili.
For other characters:
Kaklase, batang babae: Buti ka pa, Karina, laging bago ang mga sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa'kin napupunta lahat ng pinagliitan niya.
Ballet teacher: Misis, bakit indi n'yo po subukang i-enrol si karina sa piano, o sa painting, o sa bandurria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw.
*PS for one story palang muna to since hindi pa sure kung ilang episodes yung kailangan iproduce. :)